top of page

Hiyas Ka Ng Tahanan—Sarah Jozelle

Hiyas ka ng tahanan, Pag-ibig ay s’yang dahilan

Ligaya ang iyong dulot, Noong ikaw ay isilang

Kaloob ng maykapal, Kayamanang matatawag

Pamilya tayong nabuo, Bigkis ng pagmamahal

 

Pinalaki’t inaruga, Hinubog sa kabutihan

Inakay ka bilang Kristiyano, At Dangal ng Magulang

Sapol mula noong sanggol ka, Bukod tangi at espesyal

Dalangin ay lumaki kang, Matalino at Matatag

 

Isang taon ka pa lamang, marunong ng makisama

Sa Kindergarten sa Austria, Nag umpisang matuto ka

Isang taon ka nang pumasok, walang takot makisalamuha

May sarili kang diskarte, At nakangiti sa tuwina

 

Sagana sa talent, Mahusay ka sa sa entablado

Sa mga Teatro sa Austria ay umakto, Humanga ang mga tao

Sa musika’t mahilig ka, May boses ka sa pagkanta

Instrumentong tinutugtog, Gitara, piano, ukulele at plauta.

 

Sa larangan ng pagsayaw, Natatangi kang marilag

Sa pag indak at pag padyak, Kahanga hanga kang tingnan

Ang ganda mong Pilipina, Anong rikit kung pagmasdan

Prinsesa kang matatawag, Idolo ng karamihan

 

Ngayong ikay dalaga na, Labing walong taong gulang

Pagpalain ka ng DIyos, Sa iyong kaarawan

Ang ligaya at tagumpay, Harinawang iyong makamtan

Humayo ka at mabuhay, Ng may dangal at mahusay

 

Huwag mo sanang kalimutan, kung saan ka nagmula

Mapalad ka may magulang, Inakay ka’t inaruga

Hindi lahat ay sinusuwerte, Katulad mo ang pagkalinga

Ngayon sila’t nagagalak, Lumakad ka ng payapa.

​

Para kay Sarah, ika 18 Kaarawan, 9 Agosto 2020, Dorie Reyes Polo

bottom of page